-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 si Senate Majority Leader Joel Villanueva.
Ibinahagi ng kaniyang staff ang positibong resulta ng RT-PCR test ng senador.
Si Villanueva ang siyang pang-limang senador na nagpositibo sa COVID-19 mula ng magbukas ang 19th Congress kung saan unang nagpositibo ay sina Senators Alan Peter Cayetano, Cynthia Villar, Imee Marcos at Grace Poe.
Habang nananatiling positibo pa rin sa COVID-19 si Sen. Marcos kaya ito ay naka-isolate.
Nagpatupad na rin si Senate President Juan Miguel Zubiri ng mas mahigpit na health and safety protocols sa loob ng Senate building sa Pasay City para malabanan ang pagkalat ng virus.