-- Advertisements --

Lubos na ikinalungkot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nangyaring pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City kung saan tatlong estudyante ang nasawi habang lima ang sugatan.

Ayon kay Palace Press Officer Clairw Castro, batid ng Pangulo ang lungkot at takot na nararamdaman ng mga magulang lalo na ng mga nabiktima kasunod ng insidente.

Sabi ni Castro, iniutos ni Pang. Marcos ang ang malalimang imbestigasyon sa pangyayari.

Pinatitiyak rin nito ang proteksyon at kaligtasan sa lahat ng lugar, mapa-opisina, establisyimento at paaralan.

Binigyang diin ng Malakanyang na walang puwang ang ganitong uri ng karahasan saan mang lugar lalong lalo na sa mga paaralan.

Kinilala naman ng Palasyo na mabilis na pagkilos ng mga otoridad para agad mahuli ang mga suspek.

Sa inisyal na report ng mga otoridad, 3 estudyante ang nasawi, dalawa rito ay pawang mga babae, isa ang lalake, habang limang iba pa  ang nasugatan.