Itinakda na ng Sandiganbayan Fifth Division ang schedule para sa pagmamarka ng mga ebidensya sa kasong plunder laban kay Sen. Jinggoy Estrada at iba pang akusado.
Isasagawa ang exhibit marking sa Hulyo 3, 10, at 24, sa ganap na alas-9 ng umaga at ala-una ng hapon.
Para naman sa bail hearing, nakatakda ito sa Hulyo 8, 9, 13 hanggang 17, 20, at 27 hanggang 30, sa ganap na ala-una ng hapon, habang magpapatuloy ito sa Hulyo 31, alas-9 ng umaga.
Bago ito, isasagawa ang arraignment o pagbasa ng sakdal sa Hunyo 30.
Kabilang sa kapwa akusado ni Estrada sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan at ilang Metro Manila engineering officials.
Nauna naman nang itinatanggi ni Estrada ang paratang at sinabing may kaugnayan ito sa kanyang posisyon sa “independent majority bloc” sa Senado.
















