-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si Senator Grace Poe.

Sinabi nito na nakaranas lamang siya ng mild symptoms at kadalasan ay sakit sa ulo.

Sa ginawang sesyon nitong Miyerkules ay inanunsiyo ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang kalagayan ni Poe.

Si Poe na ang pang-apat na senador na nagpositibo sa COVID-19 mula ng buksan ang unang regular session noong nakaraang buwan.

Ilan sa mga nagpositibo sa COVID-19 na gumaling na ay sina Senator Alan Peter Cayetano, Senator Francis Escudero at Senator Imee Marcos.