Inaalam na ng tanggapan ni Senate President Tito Sotto ang kaugnayan ni Peter Advincula alyas “Bikoy” sa unang lumutang noon na nagbubunyag din ng drug syndicate na nag-uugnay naman kina dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at dating Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Sotto, hindi lang noon umusad ang kanilang imbestigasyon dahil sa kawalan ng ebidensya.

Hinala ng Senate president, maaaring iisang tao o kaya ay nagmula sa iisang grupo ang nagdadawit noon sa mga dating opisyal ng bansa at ang bagong lumulutang ngayon na nag-uugnay din sa drug related issues kay Pangulong Rodrigo Duterte, mga kaanak at kaalyado nito.

Gayunman, kung may maipapakita umanong sapat na basehan si Advincula, hindi sila magdadalawang isip para maglunsad ng malalimang pagsisiyasat.