-- Advertisements --

Pinuri ni Senador Francis ”Kiko” Pangilinan ang Executive Order (EO) No. 100 at 101 na nilagdaan ni Pangulo Ferdinand Marcos Jr., na tinawag niyang “malaking panalo” para sa mga magsasaka at sektor ng agrikultura.

Ang EO No. 100 kasi ay nagtatakda ng floor price para sa palay upang protektahan ang mga magsasaka mula sa pagbaba ng presyo sa farmgate.

Habang ang EO No. 101 naman ay nag-uutos ng ganap na pagpapatupad ng Sagip Saka Act (RA 11321), na nagbibigay-daan sa gobyerno at mga Local Government Unite na bumili ng produkto direkta mula sa mga magsasaka at mangingisda nang walang public bidding.

Ani Pangilinan, ang mga hakbang na ito, ay kasama ng pagbabawal sa pag-angkat ng bigas, na naglalayong palakasin ang sektor ng agrikultura at itaas ang kita ng mga magsasaka.

Dagdag niya na dapat ituloy ng bansa ang buong suporta sa agri value chain, laban sa korapsyon at mga pang-aabuso, at ipatupad ang transparency at good governance.