Mas dinoble pa ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco ang seguridad sa kanilang lugar.

Kasunod ito ng travel warning na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga turista na iwasan ang pagpunta sa Zamboanga dahil sa presensya pa rin ng Abu Sayyaf group na target ang mga dayuhan.

Sinabi ng alkalde na matapos ang nasabing advisory ay agad nitong pinagsabihan ang kapulisan at kasundaluhan sa lugar na paigtingin ang pagbabantay.

Tiniyak ng alkalde na magiging mapagmasid sila laban sa anumang banta.