LAOAG CITY – Kalunus-lunos ang sinapit ng isang security guard na kapapasa lamang sa Criminology Licensure Examination noong Marso sa kasalukuyang taon matapos bumangga ang sinakyang nitong motorsiklo sa isang poste sa bypass road sa Barangay Vira dito sa lungsod ng Laoag.
Nakilala ang biktima a si Ajonrie Romy Philip Wasay, 24-anyos, security guard sa Robinsons Mall sa bayan ng San Nicolas at taga Brgy. 7 Badio sa bayan ng Pinili dito sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Napag-alaman na ang isang paa at kamay ng biktima ay naputol at tumilapon dahil sa lakas ng impact ng nangyaring aksidente.
Hinggil dito, lumalabas sa imbestigasyon ng Philippine National Police na nakainom ng alak ang bitkima at dumapa pa umano sa ibabaw ng kanyang motorsiklo na posibleng dahilan ng nangyaring insidente.
Sinabi ni Police Captain Rogeline Ibe ng Philippine National Police dito sa lungsod ng Laoag, pauwi na sana ang biktima sa bahay ng kanyang live-in partner sa nasabing barangay nung nangyari ang insidente.