Magpapatupad ng kaukulang security adjustment ang PNP sa lahat ng sporting venues, matapos i-anunsiyo ni Pang. Rodrigo Duterte na libre ng manunod ang publiko sa halos lahat ng mga laro sa SEA Games 2019.
Mamayang gabi opisyal na magbubukas ang 30th SEA Games sa Philippine Arena sa Bulacan.
101 percent na ring handa ng PNP sa pagbibigay seguridad sa opening ceremony.
Sa exlusibong panayam ng Bombo Radyo kay 30th SEA Games Security Task Force Commander, BGen Rey Lyndon Lawas kaniyang sinabi kailangan nilang mag-adjust sa seguridad dahil aasahan na nila ang buhos ng mga manunuod.
” We will make some slight adjustments because of this new development like for example we expect there will be an influx of expectators dahil nga libre pero dapat may dala silang ticket, like dito sa mga buses di natin sila pwedeng pasakayin kung wala silang dalang ticket,” wika ni BGen. Lawas.
Apela naman ng heneral sa publiko na makipag cooperate sa mga otoridad lalo na sa mga ipinatutupad na seguridad.
Binigyang-diin din ni Lawas na naglabas na rin ng mga do’s and dont’s sa mga sporting venues.
Paalala ng 30th SEA Games National Task Force, tanging mga transparent bags ang maaring dalhin.
Mahigpit din ipinagbabawal ang mga bottled waters sa mga venue.
Sa ngayon, base sa monitoring ng SEAG 2019 National Task Force nasa higit 4,000 na mga atleta at coaches ang dumating sa bansa.
Sinabi ni BGen. Lawas mamayang hapon hanggang bukas asahan ang influx na mga delegado na darating sa bansa.
Sa pagdating ng mga atleta at kanilang mga coaches asahan din ang mabigat na trapik sa kahabaan ng EDSA.
Inihayag naman ni Lawas na may mga designated areas kung saan may mga shuttle bus na maaaring sakyan ng mga manunuod ng mga laro.
Pero sinabi ng heneral hindi maaaring sumakay ang mga manunuod kapag hindi sila magpapakita ng ticket.
Ang libreng ticket ay maaring kunin sa mga local government units o mga barangay officials ng kani-kanilang mga lugar.
” This is just one of the 4 pick-up points in Metro Manila, yung isa dito sa Trinoma, meron din sa Ayala Cloverleaf, we have one in SM MOA and duon po sa PITX at may mga buses dito sa mga areas na ito at yung pang lima ay duon sa SM Clark para duon sa mga expectators natin coming from the north, so far we are 101 percent ready during the past days,” wika ni BGen. Rey Lyndon Lawas sa panayam ng Bombo Radyo.