-- Advertisements --

Patuloy ngayong binabantayan ang limang dam sa Luzon dahil sa patuloy na pag-ulang nararanasan dulot ng walang tigil na mga pag-ulang dala ng habagat.

Ayon sa state weather bureau, apat na dam sa Luzon ang nagpakawala na ng tubig dahil sa masamang lagay ng panahon.

Kabilang sa mga ito ay ang La Mesa Dam sa Quezon City; Upper Wawa Dam sa Rodriguez, Rizal; Ipo Dam sa Bulacan; at Ambuklao at Binga Dam sa Benguet.

Paliwanag ng ahensya , umapaw na ang La Mesa Dam dahil umabot na sa 80.17 meters ang reservoir water level nito kumpara sa 80.15 meters na normal level ng tubig nito.

Inaasahang maaapektuhan nito ang mga low-lying areas sa kahabaan ng Tullahan River kabilang na ang Quezon City, Valenzuela City, Caloocan City, Malabon City, at Navotas.

Umapaw na rin ang Upper Wawa Dam na inaasahang makakaapekto sa mga lugar sa Pasig-Marikina River kabilang na ang San Mateo, Rodriguez, Antipolo, Quezon City, Marikina, Pasig, San Juan, Mandaluyong at pati na ang Manila.

Nagbukas na rin ng isang gate ang Ipo Dam habang nagbukas na rin ng tatlong gates ang Ambuklao at Binga Dam.