Hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang Magat Dam sa Cagayan Valley sa pagpapakawala ng tubig .
Layon ng hakbang na ito na hindi umapaw ang tubig sa naturang dam na sanhi ng mga pag-ulan sa watershed nito kamakailan.
Ayon sa state weather bureau Hydrometreology Division, kaninang alas 8 ng umaga ay nananatiling bukas ang isang gate nito.
Ayon sa ahensya, ito ay mayroong isang metrong opening para sa pagpapalabas ng tubig.
Sa nasabing gate ay pinapakawalan ang nasa 350.39 cubic meters per second na tubig.
Aabot naman sa ngayon sa 190.41 meters ang lebel ng tubig sa naturang Dam.
Ang ibang dam naman sa bansa ay nabawasan na ang level ng tubig.
Ito ay kinabibilangan ng Angat Dam, La Mesa Dam, Binga, San Roque, Pantabangan, at maging ng Caliraya Dam sa lalawigan ng Laguna.