Aminado ang Department of Interior and Local Government (DILG) na marami pa ring mga LGU’s ang takot tanggapin ang mga umuuwing mga OFW’s lalo na ang mga matagal nang stranded sa Metro Manila kaya’t gusto pa rin ng mga itong isailalim sila sa mandatory 14-days quarantine .
Ayon kay Interior Secretary Eduardo AÑo, inirekomenda na nila na sa halip na dalhin ang mga ito sa isang hiwalay na quarantine facility ay payagan na silang sumailalim sa home quarantine ng sa gayon makakasama na nila ang kanilang mga mahal sa buhay.
Sinabi ni Año, ang mga OFW’s na galing sa Metro Manila ay nag-negatibo na sa PCR Testing.
Ang mahigit na 500 mga nagpositibo mula sa 24, 000 mga OFW’s ay nasa mga quarantine facility na.
Ayon sa kalihim nasa mabuting kalagayan umano ang mga ito dahil karamihan ay asymptomatic.