-- Advertisements --

LAOAG CITY – Matagumpay ang isinagawang search warrant operation sa isang bahay sa Brgy. 41-Balacad dito sa lungsod ng Laoag.

Nakilala ang subject ng operasyon na si Darwin Paragas, 33-anyos at isang driver.

Ang search warrant ay inilabas ng RTC Branch 12 dito sa lungsod.

Nakuha ng mga otoridad sa bahay ni Paragas,ang isang calibre 45 na baril at limang bala na nakaipit sa kutson at lima pang bala na nakita naman sa durabox.

Nabatid na si Paragas ay may kasong carnapping noong 2010 ngunit nakalabas rin sa kulungan matpos ang tallong taon.

Hinggil dito, inakusahan ng asawa ni Paragas na may mga pulis na una umanong pumasok sa kanilang bahay bago pa simulan ang pormal na serach operation.

Samantala, iginiit ni PLt. Col. Rafael Lero, hepe ng PNP-Laoag na nasunod ang tamang proseso ng operasyon at gumamit pa sila ng body worn camera at alternative recording device.

Inihayag nito na may mga natanggap silang report na may baril si Paragas ken pinapakita pa umano nito sa kanyang mga kainuman.

Sinabi ni Lero na noong nasa kulungan pa si Paragas ay tumakas pa ito ngunit nahuli rin.

Haharap naman sa kasong paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms si Paragas.