-- Advertisements --
image 152

Malapit nang matapos ng binuong 5-man advisory group ng pamahalaan ang kanilang isinasagawang pagsisiyasat sa mga opisyal ng Philippine National Police.

Ito ay matapos na makapasampa na ang mga ito sa final stretch ng kanilang pagsusuri sa mga courtery resignation ng mga heneral at koronel ng Pambansang Pulisya.

Ayon kay PNP-Public Information Office chief PCol Redrico Maranan, target tapusin ng naturang komite ang kanilang ang evaluation at vetting process sa mga pulis bago ang nakatakdang pagreretiro ni PNP chief PGen Rodolfo Azurin Jr. sa darating na Abril 24.

Aniya, pagkatapos nito ay magsusumite ang nasabing advisory group ng kanilang report kay DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. atsaka ito ie-endorse ng kalihim kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siya namang magdedesisyon kung kaninong resignation letter ang tatanggapin.

Matatandaan na ang hakbang na ito ng liderato ng PNP ay alinsunod sa naging panawagan ni Sec Abalos sa lahat ng matataas na opisyal ng Pambansang Pulisya bilang bahagi ng kaniyang layunin na mas maigting na internal cleansing sa buong hanay ng PNP.