-- Advertisements --

Inilabas na ng organizers ng 2028 Los Angeles Olympics ang mga schedules.

Magsisimula ang ito sa opening ceremony sa Hulyo 14 at magtatapos naman sa Hulyo 30.

Aabot sa 11,200 na atleta ang sasabak sa 51 sports na gaganapin sa 49 venues.

Kada team sports ay maipapakita ang pantay o mas higit pa na bilang ng mga babae kumpara sa mga lalaki.

Ito ang unang pagkakataon na mayroong 50.5 percent na kabuuang atleta ay mga babae.

Sa unang araw pa lamang ay gaganapin ang women’s triathlon na kinabibilangan ng 100 meters womens triathlon.

Sinabi ni LA28 chief of sport Shana Ferguson, na sa unang araw pa lamang ay malalaman na ang pinakamabilis na babae sa buong mundo.

Maraming mga atleta ang nasabik sa bagong katergorya kung saan ang iba ay nagsimula ng magsanay.