-- Advertisements --

Pormal nang inanunsiyo ng kampo ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ang mag-a-administer sa oath-taking nito sa Hunyo 30 sa National Museum sa lungsod ng Maynila.

Sinabi ni incoming Executive Sec. Atty. Vic Rodriguez na si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang magpapanumpa sa incoming president.

Sinabi ni Rodriguez na susunod daw sila sa nakagawian o tradisyon ng panunumpa ng mga presidente dito sa bansa.

Ani Rodriguez ang oath-taking ay isasagawa outdoor para raw sa mga supporters ng dating senador para matunghayan ang naturang event.

Pero ayon kay SC Spokesperson Brian Keit Hosaka, sa ngayon ay hindi pa raw natatanggap ng kampo ni Gesmundo ang formal request ni Marcos.

Una rito, sinabi ng kampo ni Marcos na sa National Museum of the Philippines manunumpa ang papasok na presidente.

Una rito, nagsagawa na rin umano ng ocular inspection ang inaugural committee ni President elect Ferdinand “Bongbong” Marcos sa Pambansang Museyo matapos itong mapiling venue sa inagurasyon ng susunod na pangulo ng Pilipinas.

Ayon kay dating Manila Representative at ngayo’y Presidential Management Staff (PMS) Secretary-designate Zenaida “Naida” Angping, sa ngayon ay full swing na ang paghahanda ng team ni Marcos para siguruhing pagsapit ng Hunyo 30 ay handa na ang venue para sa inagurasyon.

Sinabi ni Amping na ang National Museum of Philippines building at ang paligid nito ay match sa kanilang requirements para sa inagurasyon ni President-elect Marcos

Una rito kinumpirma ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary-designate Atty. Trixie Cruz-Angeles makasaysayang National Museum of the Philippines inaasahang gaganapin ang panunumpa sa tungkulin Marcos, Jr. bilang ika-17 Pangulo ng bansa sa darating na Hunyo 30, 2022.

Dating kilala bilang ‘Old Legislative Building’, dito rin ginanap ang panunumpa sa tungkulin ng mga dating Pangulo gaya nina Manuel L. Quezon (1935), Jose P. Laurel (1943), at Manuel Roxas (1946).

Dinisensyo ng Bureau of Public Works (ngayon ay DPWH) noong 1918 bilang bagong tirahan ng National Library of the Philippines habang natapos naman ang pagbuo nito noong 1926.

Noong 1935, dito rin ginanap ang proklamasiyon ng Philippine Commonwealth at dati rin itong kilala bilang National Assembly Building.

Nasira ito noong World War II at sumailalim sa reconstruction mula 1949 hanggang 1950.