-- Advertisements --

DAVAO CITY – Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang ilang bahagi ng Davao Region pasado alas-7:00 kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Volcanology and Siesmology (PHIVOLCS), sentro ng pagyanig ang silangang bahagi ng Sarangani Island (Municipality ng Sarangani) sa Davao Occidental.

May layo ito na 285 kilometro, lalim na 156 kilometers at “tectonic” ang pinagmulan.

Nasa Intensity II naman ang naramdaman sa lalawigan ng Cateel, Davao Oriental.

Tiniyak ng PHIVOLCS na walang aasahan na pinsala at aftershocks kasunod ng naturang lindol.