Naibenta sa halagang $615,000 sa auction ang sapatos ni NBA legend MIchael Jordan.

Ayon sa Christie’s auction, ang Nike Air Jordan 1 ay siyang suot ng NBA legend noong 1985 exhibition match sa Italy.

Dahil sa ginawa nitong dunk ay nabasag pa ang backboard.

Makikita pa sa sapatos ang isang piraso ng salamin mula sa nasabing nabasag na backboard.

Nabasag nito ang unang Air Jordan 1 na naibenta sa auction sa halagaan $560,000 noong Mayo.

Tumaas pa ang bilang ng mga kagamitan ng dating Chicago Bulls stars mula ng maipalabas sa cable ang documentary film nito na “The Last Dance”.