-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagdulot ng takot sa mga benipisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) sa bayan ng Alamada, North Cotabato.

Ayon kay Alamada Municipal Administrator Allan Singco na natagpuan ng isang Jason Cervantes at kasama niyang traysikel driver ang isang granada malapit lamang sa municipal gym sa bayan ng Alamada.

Dahil sa takot ay nabulabog ang SAP-Payout na pinaNgunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD-12) katuwang ang LGU-Alamada sa loob ng Municipal Gymnasium.

Agad na kinordon ng Alamada PNP sa pamumuno ni Major Sonny Leoncito ang lugar kung saan iniwan ang pampasabog.

Mabilis na nagresponde ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Team ng PNP at kinuha ang MK2 fragmentation grenade.

Malaki naman ang paniniwala ng mga LUG-officials na isolated incident lamang ang nangyari at posibleng nahulog lamang ang granada dahil buo pa at ‘di natanggal ang safety pin.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Alamada MPS sa naturang pangyayari.