CAUAYAN CITY- Patuloy ang pagtaas ng naitatalang nagpopositibo sa COVID-19 sa Santiago City.

Naitala ang 24 na bagong kaso ng COVID-19 ang Santiago City na naging resulta ng malawakang contact tracing at mass testing na isinasagawa ng Pamahalaang lungsod.

Layunin nitong malaman ang mga maaring carrier ng virus at nang maagapan ang pagkahawa ng mas marami pang tao.

Dalawampu’t isa sa mga bagong kaso ay asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng virus habang ang tatlo ay may nararansang sintomas.

Pinakabata sa mga pasyente ang 3 anyos na lalake na kinilalang si CV 4849 , residente ng barangay General Malvar.

Sumunod ang 8 anyos na si CV 4856 at residente ng barangay Sagana.

Pinakamatanda naman ang 71 anyos na lalaki na si CV 4840 na residente ng barangay Villa Gonzaga.

Nahawa naman ang mga pasyente sa mga una nang nagpositibo sa virus.