-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Naitala ang 20 panibagong kaso ng COVID-19 sa San Isidro, Isabela.

Nasa 33 na ngayon ang kabuuang aktibong kasong sa nasabing bayan.

Labing pitong kaso ay naitala sa Brgy. Quezon, 14 naman sa Ramos West habang ang iba ay naitala sa Cebu, Rizal West at Victoria.

karamihan sa mga nagpositibo ay walang kasaysayan ng paglalakbay at pawang may sintomas ng COVID-19.

Patuloy ang pagsasagawa ngayon ng malawakang contact tracing ng LGU sa mga maaaring nakasalamuha ng mga bagong naitalang kaso kasunod ng pagsasagawa ng decontamination sa mga nabanggit na lugar.

-- Advertisement --