Mayor London Breed
Mayor London Breed/ IG POST

Nagdeklara ang local emergency ang San Francisco laban sa coronavirus.

Sinabi ni San Francisco Mayor London Breed, na kahit na walang kumpirmadong kaso sa kanilang lugar ay mahalaga ang pagdeklara bilang paghahanda.

Isa umano itong paraan para ang kanilang mga kababayan ay maging mapanuri sa posibleng pagtama ng nasabing virus.

Nauna rito pinaghahanda ng US Center for Disease Control and Prevention (CDC) ang mga kababayan sa posibleng pagtaas ng kaso ng coronavirus sa kanilang bansa.