Nakataas na ngayon ang tropical cyclone wind signal number two (2) sa Eastern Samar, Samar at Northern Samar dahil sa bagyong Dante.
Signal number one (1) naman ang umiiral sa Masbate, Sorsogon, Albay, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte at southeastern portion ng Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, San Andres); Leyte, Southern Leyte, Biliran, northern portion ng Cebu (Catmon, Sogod, Borbon, Tabogon, City of Bogo, Medellin, Daanbantayan, San Remigio, Tabuelan) kasama na ang Bantayan at Camotes Islands. Gayundin ang northern portion ng Surigao del Sur (San Agustin, Marihatag, Cagwait, City of Tandag, Bayabas, Tago, Cortes, Lanuza, Carmen, Madrid, Cantilan, Carrascal, San Miguel), northern portion ng Agusan del Sur (Sibagat), northern portion ng Agusan del Norte (City of Cabadbaran, Santiago, Tubay, Jabonga, Kitcharao), Dinagat Islands at Surigao del Norte.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 290 km sa hilagang silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
Taglay na nito ang lakas ng hangin na 75 kph at may pagbugsong 90 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pahilagang kanluran sa bilis na 20 kph.