-- Advertisements --
Nais ng Grammy winner singer Sam Smith na makasabay sa pagkanta ang fan nito na si Carl Malone Montecido.
Si Montecido na isang bulag ay nagviral sa social media dahil sa pagkanta sa isa sa awitin ni Smith.
Ayon sa singer na hindi ito magdadalawang isip na maka-duet si Montecido kapag ito ay muling makabalik sa Pilipinas.
Sa pagkamangha ni Smith ay ni-retweet pa nito ang video ni Montecido na kumakanta sa isang videoke sa mall.
Pinasalamatan ni Montecido ang idol nito dahil napansin siya nito.
Noong Hulyo ay nanalo bilang silver medalist si Montecido sa World Championship of Performing Arts Virtual 2020.