-- Advertisements --

Nagdesisyon ang singer na si Sam Smith na palitan ang titulo ng bagong album na nakatakda nitong ilabas.

Sam Smith
Sam Smith/ IG post

Sinabi ng Grammy award-winning singer na hindi siya kumportable na ilabas ang album nitong “To Die For” ngayong panahon ng krisis dulot ng coronavirus pandemic.

Mahalaga aniya ang pagiging sensitive sa mga fans ngayong panahon ng global krisis lalo na ilang libo na ang namatay sa nasabing virus.
Naging hindi maganda kasi ang album na may salitang “Die”.

Hindi naman nito binanggit ang ipapalit sa ikatlong bagong album na nakatakdang ilabas sa buwan ng Mayo.

Ipinagmalaki pa ng 27-anyos na singer na kasama sa album ang kantang pinagsamahan nila ni Demi Lovato na “I’m Ready”.