Isinapubliko na ni Senador Erwin Tulfo ang kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN), kung saan lumalabas na aabot sa P497,003,425.13 ang kanyang kabuuang yaman as of June 30, 2025.
Batay sa certified true copy ng SALN na inilabas ng tanggapan ni Senate Secretary Atty. Renato Bantug Jr., may mga utang si Tulfo, kabilang ang apat na personal loan, car loan, credit card, at insurance na aabot sa P159.2 milyon.
Sa parehong dokumento, aabot sa P210.9 milyon
ang kabuuang halaga ng mga real properties ng senador kabilang ang 11 residential lots at isang agricultural land.
Samantala, aabot naman sa P445.3 milyon ang ang halaga ng mga personal na ari-arian ng senador.
Kabilang dito ang mga alahas, pera sa banko, share of stocks, mga kagamitan, investments, mga sasakyan at 4 na mga baril.
Nasa 11 ang mga sasakyan ni Tulfo kung saan ang pinakamahal ay aabot sa P30 milyon na binili noong 2021.
Base pa sa SALN, mayroong limang business interests si Senador Tulfo.
Nasa 4 naman ang mga kamag-anak ni Tulfo na nagta-trabaho sa gobyerno kabilang ang mag-asawang Raffy at Cong, Jocelyn Tulfo, isang pamangkin at isang anak.
















