Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na susuklian ng gobyerno ang tapat paglilingkod ang sakrispisyo ng mga manggagawa na itinuturing na pundasyon at haligi ng lipunan hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Sa talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pagdiriwang ng ika-123rd Labor Day celebration kaniyang binigyang-diin gagawin ng gobyerno ang lahat masuklian ang sakripisyo ng mga manggagawa.
Sinabi ng Pangulo sinisikap ng pamahalaan na makalikha ng disenteng trabaho at makataong kondisyon sa paggawa upang maiangat ang kalidad ng buhay ng bawat manggagawa, mamamayan at pamilyang Pilipino.
Para makalikha ng maraming trabaho, pinadami nito ang mga mamumuhunan sa Pilipinas.
Ipinagmalaki ng Pangulo na mula taong 2022 hanggang sa nakaraang taon pumalo na sa $27 billion dollars ang halaga ng puhunan pumasok sa bansa kung saan nakapagtala ng lagpas na P4 trillion puhunan ang naitala ng Investment Promotion Agencies.
Ang mga nasabing kompanya ay inaasahang gagawa ng 352,000 trabaho para sa mga Filipino.
ipinunto din ng Pangulo na dahil sa masigla ang ekonomiya ng bansa, nuong nakaraang taon naabot ng Pilipinas ang pinaka mababang unemployment rate sa loob ng 20 taon.
atuloy din aniya ang pagbuti ng kalagayan ng ating labor market dahil nitong buwan ng Pebrero bumaba sa 3.8 percent ang unemployment rate.
Gayunpaman tiniyak ng Pangulo na hindi titigil ang gobyerno na gumawa ng oportunidad para magkaroon ng mas maraming trabaho.