Mahigpit na ipapatupad ng Kamara ang safety protocols na inilatag ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa isasagawang special session mamayang alas-10:00 ng umaga.
Sa isang advisory sa mga kongresista, nabatid na tanging 20 mambabatas lamang ang papahintulutang maging physically present sa special session sa kanilang building Quezon City.
Ang nga hindi personal na makakadalo sa special session ay papayagan pa rin namang makibahagi sa botohan at debate sa pamamagitan ng video conferencing application na Zoom Cloud Meetings.
Para naman sa mahigpit na implementasyon ng social distancing protocols sa Session Hall, lilimitahan din ang bilang ng secretariat na maaring dumalo.
Bawal naman ang mga reporters at photographers sa loob ng session dahil naka-livestream ito sa Facebook page ng Kamara.
Ang Senado ay kasabay din sa magaganap na special session sa building nila sa Pasay City.