-- Advertisements --

Nakatakda namang bumisita si Russian President Vladimir Putin sa China sa mga susunod na araw.

Makakapulong nito si Chinese President Xi Jinping kung saan isa sa mga tatalakayin ng dalawa ay ang pagpapatibay ng samahan ng dalawang bansa.

Pinuri kasi ni Putin ang China dahil sa pagbanat nito sa kaalyado ng Ukraine kaya tumatagal ang kaguluhan.

Magugunitang bumisita noong nakaraang mga buwan si Xi sa Russia para ipakita ang magandang relasyon ng dalawang bansa.