Tinukoy ng ilang defense analyst na masyadong malaki ang agwat pagdating sa military capabilities ang dalawang bansa.
Inihalintulad nila sa David versus Goliath ang Ukraine at Russia.
Sa report ng “Military Balance” na ulat din International Institute for Strategic Studies (IISS), malayo sa puwersa armada ang Ukraine kumpara sa Russia.
Ang Russia ay merong mga sundalo na 900,000 o active personnel at may dalawang milyong reserve.
Ang Ukraine ay kakarampot lamang na may 196,000 soldiers kung ikukumpara at 900,000 reserve force.
Sa land forces ang Russia ay may 280,000 troops, ang Ukraine may 125,600.
Ang air force ng Russia ay umaabot sa 165,000, habang ang Ukraine ay may 35,000.
Sinasabing ang Russia ay merong mahigit na sa 15,800 armored fighting vehicles, habang sa Ukraine nasa 3,300 lamang.
Ang aircraft naman ng Russia ay aabot sa 1,172 habang ang Ukraine ay 124 lamang.
Ang Russia ay may 821 helicopters, samantala ang Ukraine ay mabibilang lamang sa 46.
Napakarami rin ng submarines ang Russia na umaabot sa 49, habang ang Ukraine ay wala kahit isa.