Ibinunyag ni US President Donald Trump na gaganti ang Russia sa ginawang malawakang drone strike ng Ukraine.
Ayon kay Trump na nakausa niya sa telepono si Russian President Vladimir Putin kung saan iginiit nito na hindi niya plalampasin ang ginawa ng Ukraine.
Umabot sa 75-minuto ang pag-uusap ng dalawa kung saan umaasa si Trump na mapapayag niya ang Russia na magkaroon na ng katapusan ang labanan nila ng Ukraine.
Ito na rin ang pangalawang pagkakataon na nakausap ni Trump si Putin sa telepono.
Magugunitang nagpulong na rin sa Turkey ang mga kinatawan ng Russia at Ukraine para sa pagsusulong ng usaping pangkapayapaan.
Nitong mga nakaraang araw kasi ay nagsagawa ng malawakang drone strike ang Ukraine kung saan maraming mga kagamitang pandigma ng Russia ang nasira.