-- Advertisements --

Naghahanda ang Russia sa personal na pagbisita sa kanila ni Chinese President Xi Jinping.

Mismo si Russian President Vladimir Putin ang nagkumpirma kung saan tutunguhin nila dito ang Moscow metro line na ang may gawa nito ay mula sa kumpanya ng China.

Bukod sa nasabing metro line project ay hindi na nagbigay pa si Putin kung ano pa ang iba nilang mga tatalakayin.

Magugunitang iwas-pusoy ang China sa ginawang paglusob ng Russia sa Ukraine kaya patuloy ang diplomatic at economic support sa bawat isa.

Makailang beses na ring humirit ang Russia ng drones at mga bala sa China subalit nagdadalawang isip ang China kung kanila itong pagbibigyan.