-- Advertisements --

Magsasagawa ang Russia at China ng joint naval exercise sa East China Sea.

Ayon sa defense ministry ng Russia na magsisimula ang nasabing drills sa Disyembre 21 hanggang 27.

Magpapadala aniya ang China ng dalawa nilang destroyers at ilang mga barkong pandigma.

Kabilang sa naval exercise ang joint anti-submarine warfare at training para sa missile launches.

Paliwanag pa ng Russian defense ministry na layon nila na mapalakas ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang navies sa pagpapanatili ng kapayapaan sa katahimikan sa Asian Pacific Region.