MMA Zhang Weili
Zhang Weili/ IG post

Inamin ni Zhang Weili na iniidolo niya si UFC star Ronda Rousey.

Si Weili kasi ang unang Chinese fighter na sasabak sa UFC.

Makakaharap nito si strawweight titleholder Jessica Andrade ng Brazil sa UFC Fight Night 157 sa Universiade Sports Center sa Shenzhen ngayong Agosto 31.

Ayon pa kay Zhang na noong bata pa lamang siya ay nagsanay na siya sa martial arts hanggang makita niya si Rousey na maging kauna-unahang babaeng world champion ng UFC ng talunin ang kapwa American fighter na si LIz Carmouche sa bantamweight noong 2013.