-- Advertisements --

Ilalabas na raw ng Department of Health (DoH) sa kanilang website ang mga lugar sa National Capital Region (NCR) kung saan ipatutupad ang pilot implemetation ng second booster dose at maaari itong puntahan ng ating mga kababayang mayroong second booster dose.

Una rito, sinabi ng Department of Health (DoH) na sa Lunes ay sisimulan na ng pamahalaan ang pagtuturok ng second booster shot o ang ika-apat na dose ng COVID-19 vaccine.

Pero ang mga Pinoy handa na kaya sa pagtuturok ng ika-apat na booster shot.

Paalala ng Vaccine Expert Panel na mas mahigpit ngayon ang pagbibigay ng bakuna dahil ang mga immunocompromised ay kailangan nang kumuha ng medical certificate bago sila maturukan ng covid vaccine.

Kabilang din sa requirements ang pagdadala ng original na vaccination cards at ID. Da statement ng DoH, uunahin daw muna nila ang mga immunocompromised na tuturukan ng bakuna.

Paliwanag ng DoH, tatalakayin pa ngHealth Technology Assessment Council (HTAC) HTAC at ng Vaccine Expert Panel ang pagpapalawig ng pagbibigay ng second booster dose sa mga senior citizen at health frontliners.

Sinisiguro naman daw ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga bakuna bago payagan ang pagbibigay ng second booster dose ng bakuna kontra COVID-19 dahil nasa ilalim pa ng emergency used authorization (EUA) ang mga ito.