-- Advertisements --

Personal na nakapulong ni Russian President Vladimir Putin sina US envoy Steve Witkoff at manugang ni US President Donald Trump na si Jared Kushner.

Pinasalamatan ni Witkoff si Putin dahil sa pagpayag sa Ukraine na itigil muna ang kanilang pag-atake sa isa’t-isa.

Inamin ni Witkoff na hindi naging madali ang sitwasyon sa Moscow kung saan kailangan itong ipaliwanag sa kaniya.

Pagkatapos ang nasabing pagbisita ng dalawa sa Russia ay susunod naman nilang tutunguhin ang Ukraine.