-- Advertisements --

Ipapamahagi na ng Department of Education (DepEd) simula sa susunod na buwan ang ang connectivity load para sa internet connection ng mga teachers na makakasapat daw ng tatlong buwan.

Sinabi ngayon ni Deped Secretary Leonor Magtolis Briones, ang naturang allowance sa load sa cellphone ay upang matiyak na makakaagapay ang mga teacher sa hamon ng krisis sa pandemya at mai-deliver ang quality education.

pupils students school classroom children face mask

“With or without the pandemic, the Department has actively advocated for policies and programs that will further support our teachers. Through this connectivity allowance, we hope to continuously assist our teachers in their duties to deliver quality education to our learners amidst the situation,” ani Sec. Briones.

Nagpaliwanag naman si DepEd Undersecretary for Administration Alain Del Pascua na nagsimula na ang departamento sa kanilang procurement process sa connectivity load na magbibigay sa mga public school teachers ng 30 giga bytes hanggang 35 GB data allocation kada buwan.

Hinihiling din nila sa mga teachers na mag-register sa DepEd Commons para mabigyan sila ng load sa kani-kanilang mga cellphone.

Sinabi pa ni Pascua, ang 35GB per month ay makakasapat na rin sa online teaching activities ng mga guro habang ang 1GB bandwidth kada araw ay magagamit naman sa loob ng walong oras na online webinars, maging sa mga downloading ng data sa internet, sa videos, at iba pa.