Ginamit ng Houston Rocket ang kanilang home court advantage para putulin ang dalawang magkasunod na panalo ng Golden State Warriors.

Naitabla sa 112 ang score sa last quarter ng laro at sa limang minutong over time game na tinuldukan ng Houston ang 2-0 winning streak ng Warriors.

Nanguna sa panalo ng Rockets ang “step back” king na si James Harden na umiskor ng 41 points, siyam na rebounds at anim na assists.

Malaki rin ang ambag ni Eric Gordon sa panalo ng Houston na kumamada ng 30 puntos.

Sa panig ng Golden State, highest scorer si Kevin Durant na naka-46 puntos.

Isasagawa ang Game 4 sa Martes dakong alas-9:30 ng umaga oras sa Pilipinas.