-- Advertisements --

MANILA – Pumalag ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa panibagong hirit ng natalong 2016 vice presidential candidate na si dating Sen. Bongbong Marcos sa Korte Suprema.

Nitong umaga nang hilingin ni Marcos sa Supreme Court, na umuupong Presidential Electoral Tribunal (PET), na mag-inhibit sa kanyang electoral protest si Associate Justice Marvic Leonen. Ibig sabihin, hindi puwedeng sumali sa susunod na deliberasyon ng PET si ang hukom.

Ayon kina Atty. Beng Sardillo at Emil Marañon, mga abogado ni Robredo, hindi na sila nagulat sa hakbang ni Marcos lalo na’t malapit ng maglabas ng desisyon ang PET sa kanyang protesta.

“While we’re all for the dismissal of the case, it is unfortunate that Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. again resorts to attacking a Supreme Court Magistrate, similar to what he did when he sought the inhibition of Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa several years ago,” ani , mga abogado ni Robredo.

“If he doesn’t get what he wants, he moves to attack the integrity of an institution or a person to force them to give in to his desires.”

Giit ng kampo ng nanalong bise presidente Robredo, kailangang paalalahanan ang dating senador na tapos na ang panahon ng kanyang amang diktador na si former President Ferdinand Marcos, at tanggapin ang pagkatalo.

“May we remind Mr. Marcos that it’s already 2020. This is no longer the period of his father’s reign of terror where they can do anything they want. Stop acting like a spoiled brat who cries when he doesn’t get his candy.”

Dagdag pa ng mga abogado ni Robredo, malinaw na si VP Leni ang nanalong pangalawang pangulo noong halalan, dahil sa nakamit pa nitong dagdag sa mga boto matapos ang ginawang manual recount.

“Pagod na kami na hanggang ngayon, pagkatapos manalo sa eleksyon at sa recount, patuloy pa rin ang panggugulo at pagsisinungaling ni G. Marcos.”

Bukod sa pag-inhibit ni Leonen, hiniling din ni Marcos sa Kataas-taasang Hukuman na mare-raffle o mailipat ang paghawak ng kaso sa ibang hukom. Sa kasalukuyan kasi, si Leonen ang may hawak ng electoral protest ng natalong kandidato.