sal panelo spokesman
Presidential spokesman Sec. Salvador Panelo

Wala umanong balak si Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo sa programa para bigyang tribute ang pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal sa Lunes, Disyembre 30 sa Rizal Park, Maynila.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, mas gusto pang bigyan ng pagkilala ni Pangulong Duterte si Gregorio Del Pilar sa nasabing araw.

Ayon kay Sec. Panelo, planong puntahan ni Pangulong Duterte kung saan nanggaling si Del Pilar pero hindi na idinetalye ang lugar.

Ipinaliwanag pa ni Sec. Panelo na maraming bayani ang hindi nabibigyan ng pagkilala.

Iginiit naman ni Sec Panelo na hindi naman ito maituturing na pambabastos kay Rizal dahil maglalabas naman ng mensahe si Pangulong Duterte at maging siya sa Lunes kaugnay sa Rizal Day.