LAOAG CITY – Temporaryong naipasara ang Rural Health Unit sa bayan ng Piddig, Ilocos Norte bilang pagsunod sa mga health measures.

Ito ang kinumpirma ni Mayor Eddie Guillen ng bayan ng Piddig sa kanyang panayam sa Bombo Radyo Laoag.

Base sa statement, Hunyo 15 noong sinundo ng mga staff ng RHU Piddig sa border control sa bayan ng Badoc ang isang Locally Stranded Individual (LSI).

Samantala, nalaman mula sa RHU ay hindi nakasalamuha ng LSI ang isang OFW mula sa UAE na siyang ika-apat na kaso ng COVID-19 sa probinsya.

Gayunpaman, dinala sa quarantine facility ang LSI sa bayan ng Piddig habang dadadaan sa testing ang mga indibidual na sumundo dito.