Pinabulaanan ng beteranong actor Rez Cortez ang kumalat na balita na ito ay pumanaw na.

rez

Sa kaniyang Facebook page, sinabi ng actor na siya ay buhay na buhay pa at walang katotohanan ang kumalat na balita na ito ay inatake sa puso matapos umano dapuan ng coronavirus o COVID-19.

Tinawag ng actor na fakenews ang nasabing kumalat na balita at pinayuhan ang mga fans na huwag i-click at ishare ang mga nakikitang balita.

Umaabot na sa 2.9 million view at mahigit na 17,300 shares at 1,200 comments na ito ay tinanggal na rin sa Facebook.