Ipinag-utos na ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang resumption ng nationwide labor inspections, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Magugunita na sinuspinde pansamantala noong Disyembre ang labor inspections para matapos ng DOLE ang lahat ng mga pending na labor standard cases at maihanda na rin ang inspection program sa taong 2022.
“In Administrative Order No. 11, Series of 2022 issued on January 19, Bello authorized the Department’s labor inspectors to conduct routine inspections, complaint inspection, occupational safety, health standards investigation, and special inspection in establishments until December 31, 2022, unless earlier revoked,” saad ng DOLE sa isang statement.
Inatasan na rin ni Bello ang regional directors ng kagawaran na maglabas ng kaukulang kautusan para sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa ilang mga establisiyemento at lugar ng trabaho.
Nabatid na mahigit 600 labor inspectors ang nabigyan nang awtoridad na magsagawa ng inspections sa mga establisiyemento sa iba’t ibang panig ng bansa.
Binigyan diin ng kalihim na tanging mga designated hearing officers lamang ang siyang magsasagawa ng mandatory conferences para sa inspection ng mga may violations.
Kabuuang 115 regional office personnel naman ang itinalaga bilang sheriff na siyang responsable sa enforcement ng nailabas na writs of execution, implementation nang mga desisyon, at mga pinal na desisyon at kautusan.