Inisyu na ngayong araw ni Ombudsman Boying Remulla ang isang memorandum circular na nagpapahintulot na maibalik muli ang ‘access’ ng publiko sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN ng mga opisyal ng gobyerno.
Inanunsyo mismo ito ni Atty. Mico F. Clavano kung saan itinanggal na ang mga restriksyon para maka-access sa naturang dokumento.
Kung kaya’t inilatag o inilahad na ang mga guidelines na panuntunan kinakailangan sundin upang magkaroon ng kopya ng ‘assets docuement’
Maaalalang sa pagkakatalaga ni Remulla bilang bagong Ombudsman ay kanya itong nauna ng sinabi bilang bahagi sa layon gawing ‘transparent’ ang naturang opisina.
Kung saan maging mula sa pinakamataas na posisyon o ang Pangulo, at maging sa kanya ay kabilang rin sa mga maaring maisapublikong kopya ng SALN.