Reading Time: 1 minute

Kumpirmadong tinanggap na ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagbibitiw sa puwesto ng dalawang mataas na opisyal ng Philippine Military Academy (PMA).

Ayon kay AFP spokesman Marine B/Gen. Edgard Arevalo, hawak na ni AFP chief of staff Gen. Benjamin Madrigal ang resignation paper nina PMA Superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista at PMA Cadets Commandant na si B/Gen. Bartolome Bacarro.

Ayon kay Arevalo, nag-resign ang dalawa para bigyang daan ang patas na imbestigasyon dahil naisampa na ang mga kasong kriminal at administratibo sa mga suspek sa ginawang hazing kay 4th class Darwin Dormitorio (nasa larawan).

Sa ngayon, wala pang napapangalanang papalit sa puwesto ng dalawang nagbitiw na PMA official.