-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang paghahanap sa mga survivor sa pagtama ng malakas na tornado sa anim na estado ng US na ikinasawi ng halos 100 katao.

Idineklara na ni US President Joe Biden na isang disaster ang Kentucky ang lugar na labis na tinamaan ng nasabing tornado.

Bukod kasi sa Kentucky ay tumama ito sa Arkansas, Illinois, Mississippi, Missouri at Tennessee.

Sa nasabing estado lamang ay mayroon ng 80 ang nasawi kabilang ang mga empleyado ng pagawaan ng kandila kung saan mahigit 40 sa kanila ang nailigtas.

Sinabi ni Kentucky Lieutenant Governor Jacqueline Coleman na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasasawi dahil marami pa ang idineklarang nawawala.

Naging ghost town ang malaking bahagi ng Kentucky matapos ang insidente.

Tiniyak naman ni US President Biden na kanilang ginagawa ang lahat para maibot ang tulong sa mga biktima.