Reading Time: 1 minute
Golden Ray Cargo ship
Golden Ray Cargo ship / US coastguard Image

Nakausap na ng US Coastguard ang apat na crew members na hindi nakalabas sa tumaob na cargo ship sa karagatan ng Georgia.

Magbubutas na ang mga otoridad para doon nila ipapadala ang mga supplies habang inaasho ang paglabas ng mga ito.

Magugunitang tumaob ang Golden Ray cargo ship na galing sa Brunswick.

Nailigtas na ang 20 crew nito na kinabibilangang ng 13 Filipino at anim na South Koreans.

Patungo sana sa Balitmore ang cargo ship ng ito ay tumaob.

May karga ang nasabing barko na mahigit 4,000 sasakyan.

Iniimbestigahan na rin ng mga otoridad ang sanhi ng pagkakalubog ng barko.