ex Speaker Nograles 2
fznor

Nag-alay ng isang misa ang Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa namayapang si dating House Speaker Prospero Nograles.

Dumating ang labi ni Nograles sa Batasang Pambansa dakong alas-8:00 ng umaga nitong araw.

Ilang mga kongresista kabilang na si Speaker Gloria Macapagal Arroyo, at empleyado ng Kamara, ang sumalubong sa labi ni Nograles.

Kaugnay nito, muling nagpaabot ng kanyang pakikiramay si Arroyo sa asawa ng dating kongresista, gayundin sa mga anak nito na sina Cabinet Sec. Karlo Nograles at PBA Party-list Rep. Jericho Nograles.

Ang nakakatandang Nograles ay tumayong Speaker ng Kamara nang Presidente pa si Arroyo.