-- Advertisements --

Binatikos ni ACT Teachers Party-list Rep. at Deputy Minority Leader Antonio Tinio ang pahayag ni Navotas Rep. Toby Tiangco kaugnay sa posibleng bagong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, matapos sabihin ni Tiangco na hindi siya pipirma hangga’t walang nahuhuling umano’y “big fish.”

Ayon kay Tinio, pamilyar na pahayag na ito at karaniwang ginagamit ng mga DDS supporters upang ilihis ang usapin ng pananagutan ng Vice President.

Ayon kay Tinio ang argumento ni Tiangco ay argumento ng rabid DDS supporters na ginagamit ang flood control issue bilang pandepensa sa Bise Presidente.

Dagdag pa niya, hindi dapat isantabi ang mga alegasyon ng katiwalian dahil lamang may ibang isyung inilalabas. 

Binigyang-diin ni Tinio na ang pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno ay hindi dapat nakabatay sa kaginhawaang pulitikal o sa antas ng ibang personalidad na sangkot sa hiwalay na mga kontrobersiya.

Iginiit din niya na ang mga alegasyon ng katiwalian laban sa matataas na opisyal ng gobyerno ay dapat seryosong imbestigahan.

Ayon kay Tinio, ang bigat ng mga paratang laban sa Bise Presidente ay nangangailangan ng masusing imbestigasyon at posibleng pag-usig.

Sa huli, sinabi ni Tinio na hindi maaaring pumikit ang Kongreso dahil lamang sa mga kalkulasyong pulitikal. 

Punto ni Tinio, anumang iregularidad kahit sino pa ang sangkotay dapat harapin nang direkta alang-alang sa pananagutan sa publiko.