-- Advertisements --
Naglabas na ng resolusyon ang Anti-Terrorism Council na tumutukoy kay suspended Negros Oriental Rep. Arnulfo “Arnie” Teves Jr. bilang terorista.
Batay sa Anti-Terrorism Council Resolution 43, idineklara si Teves bilang lider ng isang terrorist group.
Lumagda sa kopya ng dokumento si Executive Sec. Lucas Bersamin, bilang chairperson ng lupon.
Maging ang kaniyang kapatid na si dating Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves ay isinama rin sa listahan, pati na ang 11 pang indibidwal.
Inaasahang maglalabas pa ang council ng mga karagdagang pahayag hinggil sa nabanggit na usapin.
Samantala, wala pa namang ibinibigay na reaksyon ang kampo ni congressman Teves.